Загрузка страницы

MARTIR (Spoken Word Poetry)

MARTIR

Pumapatak na naman.
Ang ilang daang mga luhang binibigyan mo ng kalayaan
Ilang beses ko na ba sinabi sa’yong hindi s’ya kawalan?
Paulit-ulit mo ‘tong nilalabanan, tinatalikuran.
Pilit na pinapaniwala ang sariling ‘di mo s’ya kayang iwan.

Kahit nasasaktan, ay patuloy kang lumalaban
Inihahanda ang sarili, sa muli n’yang pag-uwi
At kapag sa wakas na ang labi nya’y dumampi sa ‘yong nananabik na pisngi
Ay makakalimutan mo na muli ang lahat, ang lahat…
Ng mga bagay na sanhi ng ‘yong pagkawasak

Nanatili kang tahimik kahit ramdam mo na ang tinik
Kung iniisip mo na simbolo ‘yan ng katapangan
Nagkakamali ka, dahil ‘yan ay kaduwagan
‘Di mo kayang magtanong sa kanya
Kung mahal ka pa rin ba
Dahil duwag kang marinig ang sagot na baka hindi na

Nagmumukha ka nang tanga, sa kahahabol sa kanya
Sa kakabigay ng mga bagay na pilit n’yang sinusuka
Bakit ba ganyan ka ka-tigas?
‘Wag kang magpanggap na malakas.
Maniwala ka sa pagwawakas.
Kailangan mong makatakas.
Sa bakas.
Ng kaniyang pagmamalupit.
Makaaklas.
Bumaklas.
Sapagkat kaya mo namang harapin ang bukas.
Kahit mag-isa.
Maniwala ka sa pagwawakas.
Kailangan mong makatakas.

Sa pighati.
Sa pagtitiis.
Sa pang-aabuso.

Dahil hindi porket mahal mo ,
ay papayag ka nang paulit-ulit na saktan lang nito.

Alam ko naman na labis ka n’yang pinasaya
Pero ‘di big sabihin ay may karapatan na s’yang paluhain ka
Hindi ka ba naririndi sa matatalim n’yang salita?
Unti-unti kang binibiyak nito at sinisira

Nakikita mo na ng harap-harapan
Pero mas pinili mo pa ring magbulag-bulagan
Kailan ka ba natutong panindigan ang pagiging tanga?

Susubukan mong umalma
Pero pag nagalit na s’ya, bigla kang manghihina
Imbis na kumawala ay yayakap ka
Kahit bitawan ka n’ya ay pipilitin mong muling magtiwala

Aasta ka na parang wala namang problema
Kahit ang totoo ay hindi ka na makahinga.
Naghihikahos
Naghahabol ng boses na para bang napapaos
Walang mabitawang salita
Sapagkat pilit mong kinukulong ito
Pilit mong sinasarili ang mga bagay na dumudurog sa’yo
Matuto ka namang sumigaw
Kumawala
Piliin mo ang maging malaya
Lumabas kana sa rehas
Nakikita mong matagal na itong bukas
Ngunit bakit ka ba nananatili?
Maaari ka pang makaligtas.

Hindi ang katulad niya ang dapat na ipaglaban pa.
Kaya hangga’t kaya pa, ay kumawala kana.
Dahil kung ‘di mo pa pipiliin ang iwan s’ya
Ay baka mas lalo kang masaktan
‘pag ikaw na ang iniwan n’ya.

--
Be part of the Bevies:
FACEBOOK GROUP:
https://www.facebook.com/groups/11935...

USAP TAYO, BISITAHIN MO 'KO DITO:

FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/bcumla
TWITTER: https://twitter.com/Beverly_Cumla
INSTAGRAM: @beverlycumla

SUNDAN ANG ATING PAMILYA.
https://twitter.com/@OfficialBevies

PARA SA MGA USAPANG TRABAHO:
Bookings/Business Collaborations contact me at
beverly.cumla@gmail.com -
-
#BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Видео MARTIR (Spoken Word Poetry) канала beverly cumla
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
20 января 2020 г. 16:13:22
00:05:11
Яндекс.Метрика