Загрузка страницы

Kakalimutan Na Kita. (Spoken Word Poetry)

Kakalimutan Na Kita.

Isang araw nalang pala ang natitira bago tayo magpalit ng kalendaryo.
Bagong taon, bagong pagkatao ang bago nating ipapangako.
Sabay tayong laging sinasalubong ang pagpasok ng Enero.
Pero bakit sa pagkakataong 'to, mahal, inunahan mo yata ako?

Nauna kang magbago.
Wala na ang mga paborito kong ginagawa mo
Hindi ka na madalas na tumawag sa telepono
Kinatatamaran mo na ang pagdalaw sa tahanan ko
Lagi kang galit, naging mainitin ang iyong ulo
At sa tuwing maglalambing ako, iniiwasan mo.

Sinubukan ko naman na intindihan ka.
Baka sakaling pinapagod ka lang ng ibang bagay kung saan ka abala
Wala namang problema, hindi ako makikipag kumpetensya
Dahil kung mas kailangan mong maglaan ng oras sa bagay mas mahalaga ay pahihintulutan kita.
Pagbibigyan kita.

Dahil ganito ako magmahal.
Hindi ako nananakal.
Kung saan ka makakahinga ay doon ako magpapadala.
Wala akong hawak na kadena
Hindi kita ikukulong, tatabihan lang kita
Malaya kang unahin ang iba
Basta ang gusto ko lang sa'kin ay babalik ka

Maglaan ka ng oras sa trabaho,
Hindi ito gulo
Maglaan ka ng oras sa pamilya mo,
Maiintindihan ko
Maglaan ka ng oras sa mga barkada
Hahayaan ko kayo
Pero ang maglaan ng oras para magmahal ng iba
Teka, sinasamantala mo na 'ko.

Wala pang bagong taon, pero nagbago ka na.
Wala pang bagong taon, pero may bago ka na
Hinihintay kita habang nakarating kana sa kaniya.
Pinaglalaban kita habang pinili mo na pala siya.
Wala naman sanang problema, kung ayaw mo na.
Hindi ako makikipag kumpetensya kung mas masaya ka sa iba.
Papakawalan kita.
Palalayain kita.
Dahil hindi ako dapat maghabol sa taong minsan akong binasura.

Ganiyan ka pala magmahal.
Sabay-sabay ang pagsugal.
Kung sino ang pwedeng maloko, 'yun ang tatayaan mo
Pero hindi lahat ng tao makikipaglaro sa'yo
Ibahin mo ako.

Kinaya kitang pagbigyan.
Nung mga panahon na hindi mo 'ko pinagbigyan.
Kaya mas kaya kitang iwan.
Ngayong pinamukha mo sa'kin na karapat-dapat kang bitawan.
Kinaya kitang tiisin.
At sa pagkakataong ito,mas kayang kaya kitang palayain.

Kakalimutan na kita.
Kasabay ng mga alalaalang dinungisan mo na.
Kaya kong humarap sa panibagong taon na wala ka
At sa taong ito, ay wala akong babaguhin kahit na isa.
Kahit nagbago ka, kahit may bago ka na.
Dahil 'di mo ako masisira.
Mananatili akong buo, mananatili akong mahalaga.

---

Be part of the Bevies:
FACEBOOK GROUP:
https://www.facebook.com/groups/11935...

USAP TAYO, BISITAHIN MO 'KO DITO:

FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/bcumla
TWITTER: https://twitter.com/Beverly_Cumla
INSTAGRAM: @beverlycumla

SUNDAN ANG ATING PAMILYA.
https://twitter.com/@OfficialBevies

PARA SA MGA USAPANG TRABAHO:
beverly.cumla@gmail.com

Видео Kakalimutan Na Kita. (Spoken Word Poetry) канала beverly cumla
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
30 декабря 2019 г. 20:34:02
00:05:46
Яндекс.Метрика