Загрузка страницы

MGA NAPAOS NA LETRA (Spoken Word Poetry)

#WorldPoetryDay #MgaNapaosNaLetra

Mga Napaos Na Letra

Nakakabaliw rin palang simutin ang tinta ng pluma
Sapagkat ramdam ko ang paghihingalo nito
Tulad ng pusong patuloy na inilalaban ko para sa'yo
Na kahit naririnig ko nang humihingi ito ng saklolo
Ay hindi ko pa rin isinusuko

Ilang kwaderno na rin ang nasayang
Napuno ito ng mga damdaming nanghihinayang
Na parang
Lagi mong hinaharang
Ang mga salitang inalayan ko ng tapang

Sapagkat hindi lang dahil hindi mo ito binabasa
Kundi dahil pagbuklat sa mga pahina ay 'di mo na magawa
Hindi mo pa nga nakikita ang mga salita
Pero iniwas mo na agad ang 'yong mga mata

Paano mo pa mapapakinggan ang mga sinasabi nila
Kung pinipili mo agad na ibasura ang mga letra
Hindi ko naman sila iginuguhit lang basta-basta
Isinusulat ko sila sapagkat dito ko nasasabing mahal na mahal kita

Kahit mas mahal na mahal mo siya.

Kaya sinta,
Kung patuloy mo lang na pupunitin ang mga papel
Ay 'di na 'ko mag-aaksaya
Kung wala ka na talagang balak magbasa
Ay babasahin ko nalang sila
Paubos na rin ang tinta, at halos wala nang espasyo ang mga pahina
Kumpleto na ang talata
Kaya ito na, ang huling pagsigaw ng mga letra

MAHAL KITA, apat na pantig na salita at dito ako magsisiimula
MAHAL KITA, kahit sa aking pananatili ay mas pinili mo siya
Mas nangibabaw sa'yo ang pag-ibig na pansamantala
Sapagkat alam naman nating dalawa na ginagamit ka lang niya

MAHAL KITA, kahit na ilang beses mo na 'kong ginagawang tanga
Mas ginusto mong sumama sa taong ilang beses nang pinaluha ka
At hindi sa tulad kong ilang beses nang pinatahan ka

MAHAL KITA, kahit paulit-ulit mo na 'kong iniiwang mag-isa
Pupunta ka lang kapag may kailangan ka
Pagkatapos ay aalis na sa oras na balikan ka na niya

MAHAL KITA, kahit paulit-ulit mo na 'kong binabalewala
Kahit 'di mo nakikitang ginagawa ko ang lahat para ikaw ay sumaya
Kahit pilit mong pinapamukha na hanggang dito lang ako talaga
Kahit binubusulan mo na agad ang mga salita kong gusto magsalita

Ang nais ko lang naman ay mapakinggan mo ito
Hindi ko hinihiling na sagutin mo ang mga sulat ko
Dahil tanggap ko naman mahal,
Na hindi mo mabibigay ang pagmamahal
Pero hindi ka naman magiging hangal
Sa pagtanggap ng mga tulang inipon nang kay tagal

Pakikinig mo lang naman ang kailangan ko
Dahil gusto nang magpahinga nang puso kong pagod na pagod nang isigaw ang nararamdaman nito
Nakumpleto ko na ang mga letra mula sa alpabeto
Lahat nang ito ay nailatag ko na sa mga pahinang ibinibigay ko sa'yo

Pero pinili mong walang basahin sakanila
Pinili mong maghikahos ang mga salita
Na kahit naririnig mo na ang sinisigaw nitong "mahal kita"
Ay hindi mo pa rin pinagbigyan na buklatin ang pahina
Kaya tama na.
Tanggap ko na na hindi mo 'ko matatanggap talaga
Na kahit anong isulat, isigaw o ilathala
ay agad-agad mong ibabasura
Sapagkat ang gusto mong pakinggan ay ang boses lang niya.
Paos na ang mga letra at sumuko na sila.
Kaya sa natitirang espasyo ay wala na 'kong isusulat pa,
kundi tuldok, at dito ay tatapusin ko na.
'Wag kang mag-alala
Dahil hindi magtatapos ang aking paglika.
Magpapatuloy ako, pero hindi na para sa'yo.
Kundi para sa mga taong mas kayang pakinggan ang sinasabi ng mga sulat ko.
--
For more updates, follow me on my social media sites listed below:

FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/bcumla
TWITTER: https://twitter.com/Beverly_Cumla
INSTAGRAM: @beverlycumla

FOLLOW OUR FAMILY AND BE PART OF THE BEVIES!
https://twitter.com/@OfficialBevies

For business purposes, email me at:
beverly.cumla@gmail.com

Видео MGA NAPAOS NA LETRA (Spoken Word Poetry) канала beverly cumla
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
21 марта 2020 г. 20:06:10
00:06:34
Яндекс.Метрика