Загрузка страницы

Maganda Bang Mag-Invest sa Retail Treasury Bonds or RTB? Ano ang RTB?

Ano ba ang ang mga Retail Treasury Bonds o RTB na issued ng Philippine Government? Magandang investment ba ang RTB? Para kanino ba ang mga investment na ito? Nababagay kaya ang mga RTB’s sa iyo?

Ang RTB ay kumakatawan sa pagkakautang ng Gobyerno ng Pilipinas o National Government. Kaya kung ikaw ay isang RTB holder, o nag invest sa isang RTB, may pagkakautang sa iyo ang National Government. Sa madaling salita, naghiram sa iyo ng pera ang gobyerno at nangako na:

1. Una, magbabayad ng interest batay sa coupon rate ng bond at
2. Pangalawa, nangako ring ibabalik sa iyo ang iyong capital upon maturity o at the end of the term.

Dalawang (2) mahahalagang bagay na dapat tandaan. Ang RTB gaya ng mga corporate bonds ay pagkakautang, na may kaakibat na pangako.

Ano ang garantiya na mababayaran ng National Government ang interest ng RTB at maisasauli ang capital upon maturity ng bond?

Ang Pilipinas ay wala pa pong history of default ng kaniyang mga pagkakautang. Default po ang tawag kapag ang isang nangungutang ay hindi nakapagbayad ng kaniyang pagkakautang.

Kaya masisiguro po nating mababayaran po ng National Government ang interest ng bond at maisasauli nito capital upon maturity. Kaya masasabi rin po nating ang pag invest sa RTB ay very secure at very low risk.

Ang ibat-ibang mga bansa ay may kaakibat na credit ratings batay sa mga kilalang credit rating companies gaya ng S&P, Moody at Fitch. Sa kasalukuyan, ang credit rating ng Pilipinas ay investment grade. Ang ibig sabihin po nito mga kaibigan, ang pagkakautang ng Pilipinas ay very low risk of default at credible bilang investment.

Ang pag-invest sa Retail Treasury Bonds na issued ng Philippine government are considered very low risk investment. Kabaligtaran po ito sa paginvest sa stocks which are considered very high risk investments.

Suitable po ang mga RTBs sa mga investor na gustong fixed ang kita ng kanilang pera at ayaw o takot sa volatility o akyat baba ng kanilang portfolio. Typically, ang ganitong mga klaseng investment ay nababagay sa mga retired or papalapit na sa kanilang retirement.

Kaya dahil low risk ang RTB’s mababa lang din ang interest o kita ng iyong investment sa ganitong mga investment intruments.

Kung may mga tanong, comments at requests po kayo, let us know by leaving us a message in the comments section below.

And if you like this video, give us a thumbs up and subscribe to our channel.

Видео Maganda Bang Mag-Invest sa Retail Treasury Bonds or RTB? Ano ang RTB? канала OFW Power
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
20 июля 2020 г. 16:18:50
00:10:11
Яндекс.Метрика