Загрузка страницы

My Puhunan: Tingi-tingi kung magtinda noon, bultuhan na kung magbenta ngayon

Patok sa Pilipinas ang pagbebenta ng patingi-tingi, mula sa mga rekado ng pagkain hanggang sa mga isinusuot na damit. Dito kumikita ng paunti-unti ang mga may maliit na negosyo.

Maliit man sa paningin, hindi ito dapat babasta-bastahin.
Patunay rito si Cynthia Jimenez na kumikita sa pagbebenta ng iba’t ibang mga produkto.

Galing sa isang malaking pamilya si Cynthia na may labing-isang mga kapatid. Sa pagnanais na matulungan ang pamilya, nakipagsapalaran siya sa ibang bansa at nagtrabaho bilang domestic helper o DH. Nang bumalik sa bansa, binalak niyang makapagtapos ng pag-aaral ngunit kinapos sila sa pera.

Sa edad na 21, maaga siyang nag-asawa. Nagtrabaho sa ibang bansa ang kanyang mister ngunit hindi naman sapat ang kita nito para sa pamilya. Dahil dito, nagdesisyon siyang magbenta ng iba’t ibang produkto hanggang sa matuklasan niya ang mga produktong mga pampaganda.

“Nakita ko lang actually ‘yung tindera ko na gumagamit siya ng ganoon tapos nakikilagay siya doon sa puwesto ko ng beauty products. Hinahayaan ko lang din siya magbenta.”

Dahil dito, nagdesisyon si Cynthia na maging reseller ng mga produktong pampaganda. Nang makaipon, naglakas-loob naman siyang maging franchisee nito. Ang tinderang patingi-tingi kung magbenta noon, bultuhang orders kung siya ay tumanggap ngayon.

Sa loob ng tatlong taon, nabago ng kanyang negosyo ang kanyang buhay. Naipatayo niya ang kanyang pangarap na bahay at katuwang na rin sa negosyo ang asawa. Bukod pa rito, malaki ang pasasalamat niya dahil dito niya kinuha ang panggastos nang siya ay sumailalim sa operasyon sa puso.

Patuloy sa paglago ang negosyo ni Cynthia, lahat ng ito sa kanyang pagsisimula sa pagiging maliit na tindera. “Kung matiyaga ka at masipag ka, lalago ‘yan eh. At kung ikaw ay bumagsak, puwede ka naman bumangon ulit. Huwag kang tumigil sa pangarap mo dahil ang pangarap mo hindi lalapit sa’yo, ikaw ang dapat umabot niyan.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of My Puhunan on TFC.TV
http://bit.ly/MYPUHUNAN-TFCTV
and on iWant for Philippine viewers, click:
http://bit.ly/MyPuhunan-iWant

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews

#MyPuhunan

Видео My Puhunan: Tingi-tingi kung magtinda noon, bultuhan na kung magbenta ngayon канала ABS-CBN News
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
9 октября 2018 г. 21:59:05
00:04:34
Яндекс.Метрика