Загрузка страницы

Paano Gumawa ng Lacto Serum

Alamin kung paano gumawa ng lacto serum. Mayaman ito sa lactic acid bacteria, isang beneficial na uri ng bacteria. Maari itong gamitin sa bahay, sa halamanan at bilang probiotic para sa mas magandang kalusugan.

Don’t panic it’s #organic!

Sample Recipe

Mga sangkap:

1/4 cup hugas bigas
2 and 1/2 cup UHT na gatas
300mL molasses o 300g pulang asukal

Mga hakbang:

1) Maglagay ng unang hugas bigas sa isang garapon. Dapat ito ay mas marami sa kailangan. Lagyan ng breathable na takip ang garapon upang hindi ito mapasok ng insekto o alikabok. Iwan ito sa isang tabi sa loob ng 3-5 araw upang mag-ferment.

2) Kapag handa na ang fermented na hugas bigas, gamit ang sipon, syringe o turkey baster, kunin ang gitnang bahagi nito. Kumuha lang ng 1/4 na fermented na hugas at ilagay ito sa mas malaking garapon na may kapasidad na di bababa sa isang litro. Dagdagan ito 2 and 1/2 cup ng gatas. Takpan ito ng may singawan at iwan sa isang tabi sa loob ng 3-5 araw.

3) Maghihiwalay ang milk curd at whey. Gamit ang salaan ihiwalay ang milk curd at whey. Ilagay sa isang malinis bote ang whey. Ang bote ay dapat may volume na doble ng volume ng nakolektang whey. Huwag itapon ang milk curd masustansiya ito. Maari itong ibahog sa hayop o ilagay sa compost pit.

4) Upang ma-stabilize ang whey lagyan ito ng molasses o brown sugar. Ang ratio ay 1mL ng whey sa 1mL na molasses o kaya ay 1mL ng whey sa 1g na brown sugar. Handa na ang lacto serum.

Paano gamitin:

Kumuha ng 500mL na lalagyan na may malinis at hindi chlorinated na tubig. Dagdagan ito ng 2 tbsp ng lacto serum. Ito diluted na lacto serum, ito ang gagamitin sa mga aplikasyon ng lacto serum.

Bilang probiotic:

Ihalo ang 2 tbsp ng diluted lacto serum sa kalahating basong tubig at inumin matapos kumain.

Bilang inumin ng mga alagang hayop:

Ihalo ang 1 tbsp ng diluted lacto serum kada litro ng tubig. Ipainom ito sa mga alagang hayop.

Bilang deodorizer:

Ihalo ang 1 tbsp kada litro ng tubig at gamiting pang-spray upang maalis ang mga di kanaisnais na amos sa loob ng bahay.

Pang-alis ng bara sa lababo.

Ihalo ang 2 tbsp kada litro ng tubig at ibuhos sa lababo upang alisin ang bara o mga di kanaisnais na amoy ng lababo.

Bilang composting aid:

Ihalo ang 1 tbsp ng diluted lacto serum sa kada litro ng tubig. Gamitin itong pandilig sa compost pit.

Bilang foliar spray:

Ihalo ang 1 tbsp ng diluted lacto serum sa kada litro ng tubig. Gamitin itong foliar spray sa mga halaman.

Bilang organic gardening aid:

Ihalo ang 1 tbsp ng diluted lacto serum sa kada litro ng tubig. Gamitin itong pandilig sa halaman isang araw bago lagyan ng organic na abono ang halaman.

Kapag naubos na ang 500mL na diluted na lacto serum, maari itong punuing muli ng tubig at haluan ng lacto serum. Maaring itabi ang lecto serum sa refrigirator upang mapatagal ang shelf life nito.

Kung naging kapakipakinabang ang video, inaanyayahan ko po kayo na ito ay i-like. Kung nais pa po ninyong makapanood ng mga video na kagaya nito mangyaring mag-subscribe sa Happy Growers’ Channel.

Maraming salamat po sa panood sa #HappyGrowers’ Channel!

If you find my video useful please leave a like. If you want to see more like this please subscribe to Happy Grower’s Channel.

Thanks for watching!

Karagdagang Links/Additional Links:

https://snaphydroponics.info
https://facebook.com/mjgardenph
http://www.twitter.com/mjgardenph
https://instagram.com/gumacahin
“Bahay Kubo (Chiptune)” by Tamu
https://soundcloud.com/nananaginip

Видео Paano Gumawa ng Lacto Serum канала Happy Grower
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
26 января 2020 г. 5:40:22
00:19:28
Яндекс.Метрика