Загрузка страницы

AKLAT NG DEUTERONOMIO

DEUTERONOMIO

Panimula
Ang pangunahing paksa ng Deuteronomio, na may kahulugang "ikalawang kautusan," ay ang pag-uulit ng tipan. Dito, ang mga batas at tuntunin ng aklat ng Exodo (halimbawa, ang Sampung Utos) ay di lamang inulit; ito ay binigyan ng panibagong kahulugan ayon sa mga pangkasalukuyang kaganapan,upang ang mga pangako at itinatakda ng tipan ay mailalapit sa bawat mananambahang Israelita.

Sa katapusan ng aklat ng Mga Bilang ang Israel ay nakahimpil sa kapatagan ng Moab, handang sumalakay sa Canaan mula sa silangan.

Ang Deuteronomio ay siyang pamamaalam ni Moises sa bayan at doon ay kanyang ipinaalala ang mga makapangyarihang gawa ng PANGINOON, at mahigpit na nagbabala tungkol sa mga tuksong maaari nilang maranasan sa Canaan, at nakiusap na sila'y maging tapat at mahalin ang Diyos bilang isang panghabangbuhay na kondisyon sa Lupang Pangako.

Ang Deuteronomio ay naglalaman ng mga talumpati ni Moises. Ang una ay matatagpuan sa kabanata 1:6-4:40; ang ikalawa ay nasa kabanata 5-28; at ang ikatlo ay sa kabanata 29–30. Ang nalalabing mga kabanata (31-34) ay pagpapatuloy ng salaysay na nagtapos sa Mga Bilang.

Binibigyang diin ng Deuteronomio na ang pagsamba sa PANGINOON ay dapat gawin sa iisang lugar, upang tuluyang mawala ang pagsamba sa mga diyus-diyosan (kabanata 12). Nang ang Deuteronomio ay mailathala, ang templo sa Jerusalem ay itinuturing na pinakamahalagang santuwaryo.

Ang Deuteronomio ay maaaring siyang nagbunsod sa malawakang repormang pangrelihiyon nang panahon ni Haring Josias (2 Hari 22-23) na nagbunga ng pagbabago ng kasaysayang matatagpuan sa Josue, Mga Hukom, Samuel at Mga Hari.

Kaya't kahit nakasalig sa mga matatandang tradisyon, ang aklat na ito ay masasabing isang muling pagkatuklas at pagbibigay-kahulugan ng mga katuruan ni Moises ayon sa kaisipan ng mga kontemporaryong mambabasa nang ito'y unang mailathala.

PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...

GOD BLESS EVERYONE.

Видео AKLAT NG DEUTERONOMIO канала GOD'S WORD READ SCRIPTURES
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
4 июля 2021 г. 18:42:20
03:21:40
Яндекс.Метрика