Загрузка страницы

Meeting Filipinos in Ukraine || Bakit Kami Nag Stay?

BAKIT MAS PINILI MO MAG STAY?

Eto yong common na tanong namin sa isa’t isa nung nagkita-kita kami sa Philippine Consulate office in Kyiv para kunin yong financial assistance na pinaabot ng Phil-Embassy para sa amin. Halos pare-pareho lang din kami ng sagot. EH KASI:

*nandito na yong buhay namin.
*nandito yong binuo naming pamilya.
*may anak kami na maliit pa.
*kong aalis man tayo di rin natin makakasama asawa natin.
*kong safe naman kayo na magkakasama bakit kelangan pa mag take ng risk bumyahe kong saan-saan na malalayo na mas delikado kasama pa ang anak.
*kasal kami and nangako sa isa’t isa na magsasama sa hirap at ginhawa.
*FAMILY.

Iilan lamang ito sa mga common din na sagot namin pero at the end of the day, when things comes to worst, we will decide and of course we will do everything to save our babies.

There are more or less 30-50 Filipinos na lang ang natira dito out of 378 simula nung nag start ang war. Halos lahat ng naiwan or should I say 90% ng naiwan may mga asawa at anak.

Marahil ang iba sa inyo ay hindi maiintindihan ang sitwasyon namin at maging ang desisyon namin pero kong kayo ang nasa kalagayan namin malamang ganoon din ang magiging desisyon ninyo.

It has been 127 days of war here in Ukraine and it’s still on going. Sa ngayon, ang magagawa lamang namin ay manatili na magkasama, i-enjoy ang bawat sandali na mayroon kami, i-enjoy ang buhay nang buong-buo hangga't kaya namin at higit sa lahat manalangin at maging positibo na lahat ng pagsubok malalampasan naming lahat . 🙏💙

Indeed, God is great. God is always good hindi nya kami lahat pinababayaan. Thank you Lord. 🙏🙏🙏

Shout out to the Philippine Embassy in Warsaw, Poland, Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines, Sir Ariel, Congen Mardomel, Ms Llewelyn and Ms Anzhela for placing great efforts in counting and accounting for every kababayan here. 🇵🇭🇺🇦

Also special thanks to Ms. Gretchen Ho for helping us out as well. ❤️

Special thanks to our friend Victor Shumsky for bringing us back and forth to railway station so we could all go home safely. ❤️

#FilipinosinUkraine🇵🇭🇺🇦
#127daysofwar

Видео Meeting Filipinos in Ukraine || Bakit Kami Nag Stay? канала Rhea & Lego
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
6 сентября 2022 г. 6:00:11
00:16:07
Яндекс.Метрика