Загрузка страницы

DI INAASAHANG PANGYAYARI sa IKALAWANG LARO ni Thirdy Ravena | Magic AYAW PAAWAT | KAKAIBA NA NAMAN

“Gaijin” salitang hapon na maaaring tumutukoy sa isang foreigner sa bayan ng Japan – sa pelikulang Tokyo Drift ko ito unang na-encounter at narinig. Sa ating wika, ang simpleng salin ay dayuhan. Maaaring ganito ang estado ni Thirdy Ravena sa bansa at sa ligang kanyang nilalaruan ngayon. #ThirdyRavena #PUSOSports #Gaijin

Dayuhan dahil maraming bago sa paligid na iyong ginagalawan. Kailangang isantabi ang mga nakasanayang uri ng larong basketball at pamumuhay rito sa Pilipinas dahil batid nating hindi naman pare-pareho ang mga bagay-bagay – nakadepende pa rin sa konteksto.

At nakita natin sa comment section ang tanong na bakit nilalathala natin ang journey o paglalakbay nitong si Thirdy. Hype lang ba o hindi, ang nakikita ko lang na sagot ay dahil maaaring salamin ito ng buhay ng iba nating kapwa Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa – at dahil mayroon din naman tayong mapupulot na aral sa kwento ni Ravena.

Upang bigyang-diin pa ang pagiging dayo, ang una niyang dalawang games ay away games – wala sa kanila ang bentahe ng homecourt. Ang karamihan ng mga nanonood ng live, sumisigaw para sa kabilang koponan. At syempre di rin naman basta-basta papatalo ang Shimane Susanoo – lalo na noong nag-dunk sa dulo ang import ng Magic sabay mahigpit na depensa at lapit sa mukha ni Ravena.

Mananatili na lang ding palaisipan ang hindi paggamit ni Coach Branislav ng San-en kay Thirdy sa kahabaan ng third quarter. 35 seconds. Tatlumpu’t limang segundo lamang matapos pangunahan sa scoring ang kanyang team noong first half. Dagdag pa na import itong si Ravena kaya dapat may pagkiling na ito’y gamitin.

Maraming posibleng maging factors o salik sa ganitong pangyayari. Bibigyan na lang din natin ng benefit of the doubt ang naganap na mayroon talagang higit na mabuting dahilan itong si coach. Mas matagal nyang nakita ang laro ng iba nyang players, maaaring isyu ng fatigue o conditioning dahil back-to-back games din ang laruan.

Alam ko marami ring naka-relate noong nasa bench si Thirdy nang matagal. Iyong tipong lahat gagawin mo na para mapansin ka ni coach at para maipasok ka na sa laro. Iyong tipong pag tumingin si coach sa bench, iniisip mo na baka sa yo na sya nakatingin at sasabihing palitan mo na ang isang player sa loob ng court. Wala eh, minsan ganon talaga.

Nakita natin ang kung paano sya makitungo at paano rin sya pinakikisamahan ng kanyang mga teammates – patuloy na pag-uusap, ang isa napagsabihan pa sya patungkol sa kanyang pwestuhan sa kanilang depensa. Nakita rin natin ang di inaasahang naganap noong di nya na-kontrol ang kanyang pwersa at bumagsak iyong player sa sahig, at pumito iyong referee – unang unsportsmanlike foul.

Unang talo, dapat ba ay sya ay dismayado? Sa tingin ko hindi ganon kabilis panghihinaan ng loob si Thirdy. Noong bumagsak nga sya sa academics noong college, at panandaliang di nakapaglaro sa Ateneo, doon nga sya lalong nagbatak. Marami na rin itong napagdaanan at alam mong man of character itong taong ‘to.

Tulad ng ating mga kapwa pinoy, nasusubok pero di basta-basta sumusuko.

Di na rin naman masama ang kanyang naiambag sa gabing ito. Nagpakita sya ng consistency sa pag-atake sa basket at sa pagpuntos na nakapagbigay sa kanya ng labingdalawa rito. Nandoon na rin ang kanyang abilidad sa pagdagit sa bola kung saan nakapagtala sya ng 8 rebounds.

Humbling experience at nakamumulat din talaga ng kamalayan ang mga naranasan ngayon ni Thirdy. Hindi puro sarap pero lahat bahagi ng proseso. Patunay lamang din na malayo pa ang dulo at marami pang lugar para paghusayan pa ang paglalaro. Sa ating susunod na video titingnan naman natin ang kanyang ipapakita kontra Osaka Evessa.

__________________________________________________________________________________

Manood ng live!

Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!

This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.

https://www.youtube.com/channel/UC4NpGzqd6nnntf8ehYC50-A

Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Видео DI INAASAHANG PANGYAYARI sa IKALAWANG LARO ni Thirdy Ravena | Magic AYAW PAAWAT | KAKAIBA NA NAMAN канала PUSO Sports
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
11 ноября 2020 г. 4:00:05
00:04:43
Другие видео канала
Humanga ang istriktong Serbian head coach ng Phoenix kay Thirdy| Namamalo at naninigaw ng playerHumanga ang istriktong Serbian head coach ng Phoenix kay Thirdy| Namamalo at naninigaw ng playerEXCLUSIVE: TITO Sotto IPINAHIYA si HONTIVEROS sa SENADO Matapos SIRAAN ang SEA GAMES 2019?!!EXCLUSIVE: TITO Sotto IPINAHIYA si HONTIVEROS sa SENADO Matapos SIRAAN ang SEA GAMES 2019?!!HONTIVEROS HALOS MATUNAW SA HIYA NANG MAGALIT SA KANYA SI PIA CAYETANO DAHIL SA STADIUM PROJECT!HONTIVEROS HALOS MATUNAW SA HIYA NANG MAGALIT SA KANYA SI PIA CAYETANO DAHIL SA STADIUM PROJECT!MALUPIT NA CLASSIC MOVE NI BIG GAME JAMES YAP | NAFRUSTRATE SI BIG BEAU BELGAMALUPIT NA CLASSIC MOVE NI BIG GAME JAMES YAP | NAFRUSTRATE SI BIG BEAU BELGALatest: Kai Sotto BAGONG PINAG-UUSAPAN NGAYON sa BUONG AMERIKA│Cj at Robert Bolick for GILAS NA DIN!Latest: Kai Sotto BAGONG PINAG-UUSAPAN NGAYON sa BUONG AMERIKA│Cj at Robert Bolick for GILAS NA DIN!DAGDAG SHOWTIME SA PBA! | Jeremiah Gray sa 2020 PBA Draft?DAGDAG SHOWTIME SA PBA! | Jeremiah Gray sa 2020 PBA Draft?OSAKA EVESSA COACH NAIILANG KAY THIRDY RAVENA !!!OSAKA EVESSA COACH NAIILANG KAY THIRDY RAVENA !!!RUSSELL WESTBROOK TO CLIPPERS | KENTAVIOUS CALDWELL POPE MAG-STAY SA LAKERS PASOK NA SA BIRD RIGHTSRUSSELL WESTBROOK TO CLIPPERS | KENTAVIOUS CALDWELL POPE MAG-STAY SA LAKERS PASOK NA SA BIRD RIGHTSPogoy GINAWANG ASINTAHAN ang Aces! | May NAWALA sa Alaska? | BUMIGAY ang TUHOD ng BANTAY ni THE BLURPogoy GINAWANG ASINTAHAN ang Aces! | May NAWALA sa Alaska? | BUMIGAY ang TUHOD ng BANTAY ni THE BLURAng KAKAIBANG GINAWA ni Thirdy Ravena Noong Halftime! | MUNTIKAN Pa! | Hanep, Ano 'Yon?!Ang KAKAIBANG GINAWA ni Thirdy Ravena Noong Halftime! | MUNTIKAN Pa! | Hanep, Ano 'Yon?!Thirdy Ravena FULL GAME BREAKDOWN | San En Neophoenix vs Shimane Susanoo Magic B-League 2020-2021Thirdy Ravena FULL GAME BREAKDOWN | San En Neophoenix vs Shimane Susanoo Magic B-League 2020-2021Si Kai Sotto parin pala ang pinaka sikat at mas pinag-uusapan na player sa TEAM IGNITE!Si Kai Sotto parin pala ang pinaka sikat at mas pinag-uusapan na player sa TEAM IGNITE!LA Clippers PINAKAMALAKAS na Backcourt BIG 3. Kawhi PG13 and RUSSELL Westbrook.LA Clippers PINAKAMALAKAS na Backcourt BIG 3. Kawhi PG13 and RUSSELL Westbrook.Ginebra SINALPOK KAAGAD ang NLEX | Road Warriors NAUBUSAN | Di MALAMAN San GALING ang ATAKE ng KingsGinebra SINALPOK KAAGAD ang NLEX | Road Warriors NAUBUSAN | Di MALAMAN San GALING ang ATAKE ng KingsGINEBRA VS. MAGNOLIA SA PLAYOFFS | MALONZO GUSTO SA SMB MAGLARO | SMB AT ROS PASOK SA PLAYOFFSGINEBRA VS. MAGNOLIA SA PLAYOFFS | MALONZO GUSTO SA SMB MAGLARO | SMB AT ROS PASOK SA PLAYOFFS24 Oras: Masikip na eskinita, ni-level up nang gawing elevated parking24 Oras: Masikip na eskinita, ni-level up nang gawing elevated parkingCalvin at Perkins BINANGGA nang MATINDI ang Road Warriors! | Nag-COLLAPSE ang NLEX | Ang PagbabalikCalvin at Perkins BINANGGA nang MATINDI ang Road Warriors! | Nag-COLLAPSE ang NLEX | Ang PagbabalikLAHAT NAGULAT SA GINAWA NI THIRDY RAVENA | NAGKAPIKUNAN | ATENEO VS JAPANLAHAT NAGULAT SA GINAWA NI THIRDY RAVENA | NAGKAPIKUNAN | ATENEO VS JAPANEP180-Part1 - Ocean to Plate Adobong Pusit | Catch 'n Cook | Occ. MindoroEP180-Part1 - Ocean to Plate Adobong Pusit | Catch 'n Cook | Occ. Mindoro
Яндекс.Метрика