Загрузка страницы

Kelvin Miranda, maraming pinahanga sa pagganap niya sa pelikulang "Dead Kids"

#KelvinMiranda #DeadKids

NAKAKABILIB ang naging performance ni Kelvin Miranda sa pelikula ni Mikhail Red na Dead Kids.

Inamin ni Kelvin na dahil sa pelikulang ito ay nagbago ang tingin ng mga tao sa kanya lalo na ang mga kapwa niyang artista at ang mga dating kritiko.

“Ang naging epekto siguro nito sa akin, eh, nagkaroon ng tiwala sa akin yung mga taong hindi naniniwala sa akin noon. Mas nagkaroon ako ng oportunidad sa larangan ng pelikula at telebisyon.

“Kahit papaano, naramdaman ko na rin yung respeto mula sa ibang artista na hindi ako ganun katanggap dati. Totoo po yon, pero masaya ako na nakamtam ko na yon at laking pasasalamat ko at kung ano yung nabago sa akin ay pahahalagahan ko nang sobra,” simulang pahayag ni Kelvin sa exclusive interview ng PUSH.

“Para sa akin, medyo nag-hope din po ako talaga na mapapansin ang performance ko sa movie, kasi ito po talaga yung kauna-unahang pelikula ko na mabigat talaga yung role ko, hindi pa naman kasi ako sanay na magbida talaga, eh.

“Sobrang kabado ako nung una, kung ano ang magiging pagtanggap ng director, ng mga co-actors ko, at lalo na ng mga tao sa ginawa ko dahil sila ang makakapanood ng pelikula, buti na lang, maganda talaga yung naging outcome.” kwento niya.

Hindi ba siya nanghihinayang na pagkatapos ng Dead Kids ay hindi kaagad ito nasundan ng panibagong pelikula na muling magpapakita ng husay niya bilang aktor?

“Sa totoo lang po, nung natapos yung Dead Kids, masyado na po akong nalimitihan dahil sa comparison nila about sa role ko sa Dead Kids. Siguro yung iba nahihiyang mag-offer ng mas maliit na role. Pero hindi naman po kasi ako namimili ng role. Kung anong ibinigay na project ng management team ko ginagawa ko lang po,” katwiran niya.

Na-link ang kanyang pangalan sa bagong Darna actress na si Jane de Leon. Sila na ba o close lang ba sila?

“Close po kami ni Jane, as in,” pagtatapat ni Kelvin. “Since nung nag-start pa lang akong mag-observe sa pinasok kong mundo, nakilala ko na siya agad bilang talent ni Sir Tyrrone.

Si Tyrrone Escalante ang talent manager nina Kelvin Miranda at Jane de Leon.

“Nagkasundo kami kasi may times na madalas kaming magkakasama. Siya lang ang pumuna nung pagka-weirdo ko. Hehehe! At katulad ko, meron din pala siyang side na ganun. Parang magkapatid po talaga kami ni Jane,” pahayag ni Kelvin.

Ano ang masasabi niyo rito? Let's discuss!

Видео Kelvin Miranda, maraming pinahanga sa pagganap niya sa pelikulang "Dead Kids" канала Throy Catan
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
2 июня 2020 г. 13:48:22
00:05:52
Яндекс.Метрика