Загрузка...

Cacazi A10 wireless doorbell quick review (a silent review)

Cacazi quick review (silent review ito, walang mga hanash)
Advertised price: 238 Pesos
Nabili ko ng: 126 Pesos only (dahil yan sa mga vouchers)

Share ko lang real quick what this doorbell is all about para may idea ka kahit papano if plan mo talagang bumili ng doorbell.

Wireless doorbell from Cacazi.
Madami pong results ito sa Shopee if sinearch nyo ang "Cacazi".

Pili na lang kayo dun, preferrably Shopee Mall/Preferred Seller and yung may matinong feedback/rating.

Always DYOR

******************************
Q&A:
Q1: After ko makapamili ng tone, bakit bumabalik sa dati?
A1: If na-unplug po natin yan, pag sinaksak ulit para gamitin ay nagre reset talaga sya at bumabalik sa default settings.
Similarly, pag nag brownout or basically if nagkaron ng power failure sa device eh magre reset din sya.

Q2: Bakit tumutunog mag isa?
A1: Baka nagkaron ng mabilisang brown out o power failure sa device. Pag kasi sinaksak uli yan ay tutunog talaga sya ng isang beses - parang self-test nya saying it is working.

Q3: (Under the premise of Q2) Akala ko tuloy may nagdo doorbell talaga, pag punta ko eh wala naman. Panu ba diskarte dyan?
A3: Simple lang po, kung aware ka naman na nag brownout, i-expect mo na na tutunog talaga ang device once power resumed. Once lang naman yan so, isipin mu na lang na kung may tao talaga sa labas nyo na nagdo-doorbell eh dapat more than once yan till pagbuksan mo ng pinto ang taong nagdo doorbell.
Yung ibang scenario eh di ko pa naman na experience.

Q4: Anu battery nya?
A4: Indicated po sa video ang power source. Yung pindutan o trigger o transmitter ay Alkaline (check vid po, maikli lang naman sya) at yung receiver naman ay walang bateri kasi isasaksak mo sya sa outlet nyo. Yes, de-kuryente po.

Q5: Gaano kalayo ang abot?
A5: Based sa feedback sa Shopee ay pang malayuan naman. Sa specs naman ay 300 meters daw. Ang nasubok ko lang ay gang 3rd flr ay abot sa amin na madaming obstacles yun. For context, yung previous doorbells ko ay hindi umaabot ng 3rd floor maliban na lang sa loob ng bahay din ang trigger.

Q6: Waterproof ba talaga?
A6: Yan ang sabe. Dko na sinubukas, sayang kung fail. Dko rin kasi need ng waterproof kasi di nababasa yung trigger sa pinagkabitan ko. I understand napakahalaga ng waterproofing system sa mga doorbells, so, if need mo talaga, bili ka na lang ng housing nya para sureness, isabay mo na.

Q7: Kung bibili si neybor nito, baka tumunog din yung sa akin if may nag doorbell sa kanila?
A7: Unfortunately, di ko yan na test dahil isa lang naman binili ko. Pero to be safe, i-pair mu na lang sila para sila lang ang may comms. In theory, that should work. Not sure sa actual.

Видео Cacazi A10 wireless doorbell quick review (a silent review) канала Shopee Items Review (SIR)
Страницу в закладки Мои закладки
Все заметки Новая заметка Страницу в заметки