Загрузка страницы

morcon para sa ex mong patapon

https://www.facebook.com/NinongRy
www.NinongRy.com

RECIPE:
Ingredients:
5 pcs morcon cut na beef. Pwede nyo ipagawa to sa binibilan ng beef kesa kayo mag hiwa maputulan ka pa daliri kasalanan ko pa.
5 piraso hodog
2 big carrots (hiwain sing haba ng beef)
4-5 pcs pickles (battonet)
1 kg backfat (5 strips tas yung tira, cubes na)
4 pcs itlog na maalat (hiwa pahaba)
300 g kamatis (chopped)
300 g sibuyas (chopped)
100 g bawang (chopped)
200g kimchi (chopped)
1 canned tomatoes
Water as needed
Salt, pepper, patis as needed.

Procedure:
1. Ilatag ang beef at palamanan ito ng backfat, carrots, pickles, itlog na maalat, at hotdot. Irolyo at itali tulad ng pinakita sa video.
2.Sa pressure cooker, tunawin ang ilang pirasong taba ng baboy. Pag may sapat na mantika na nakuha dito, alisin ang taba.
3. Tustahin on both sides ang morcon. Gawin sa lahat. Hanguin at itabi.
4. Sa pinaglutuan ng morcon, dun din ilagay ang pinaghalo halong sibuyas, bawang, kamatis, at kimchi. Igisa ng ilang minuto.
5. Idagdag ang canned tomatoes at lutuin hanggang matuyo at mag-brown ang mga gulay.
6. Lagyan ng tubig at kiskisin ang nanikit sa ilalim. Masarap to pramis.
7. Ibalik ang morcon at magdagdag ng tubig kung kailangan. Mag lagay ng patis.
8. Lutuin sa pressure cooker ng 30 minutes o hanggang lumambot.
9. Hanguin ang morcon at lutuin ang sarsa hanggang humiwalay ang mantika. Timplahan ng patis at paminta kung kailangan.
10. Palamigin ang morcon bago hiwain. Isalansan ng maayos sa bandehado at buhusan ng sarsa baho ihain.
11. Ipost at itag si Ninong. See Less

Видео morcon para sa ex mong patapon канала Ninong Ry
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
13 октября 2020 г. 3:53:55
00:04:33
Яндекс.Метрика