Загрузка страницы

PAANO MAGING MUSLIM? | ANG 5 HALIGI NG ISLAM AT 6 HALIGI NG PANANAMPALATAYA

Samakatuwid ay nagustuhan mo ang iyong natutunan tungkol sa Islam? Napagtanto mo na walang dapat sambahin kundi si Allah at Siya lamang ang nararapat na sambahin ng walang katambal. Nauunawaan mo na si Allah ay hindi tayo iiwan sa karimlan maliban ipapakita sa atin kung paano mabuhay. Dapat mong malaman na ang artikulong ito ay natatanging isinulat para sa iyo. Hindi mo nasumpungan ang artikulong ito na nagkataon lamang; sa katunayan ikaw ay ginabayan ng iyong Tagapaglikha, si Allah.

Malamang nagdarasal ka para sa patnubay at kung kaya si Allah ay tinugon ang iyong panalangin at inshAllah [sa pahintulot ni Allah] ikaw ay handa nang maging isang Muslim. Kaya paano ba ito talaga ginagawa? Sa katunayan, napakadali lamang. Walang binyagan, walang kakatwang mga ritwal, o magagarbong seremonya.

Para maging Muslim, ang kailangan mo lang gawin ay ipahayag ang iyong pananampalataya sa Islam. Yun na! Madali diba? Ang pagpapahayag ng pananampalataya na ito ay tinatawag na Shahadah [Pagpapahayag ng pananampalataya] at ito ang unang haligi ng Islam. Ang lahat ng mga paniniwala sa Islam ay nakapaloob sa dalawang pangungusap na ito na bumubuo ng iyong Shahadah.

ASH-HADU AN LA ILAHA ILLAL-LAH, WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUH.

Ang mga katagang Arabe na ito ay nangangahulugang, “Ako ay sumasaksi na walang karapatdapat sambahin maliban kay Allah, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Lingkod at Sugo.”

Kapag binigkas mo ang “La ilaha illa-Allah”, ay sinasabi mo ng literal na walang Diyos kundi si Allah. Ang katagang Diyos sa Arabe ay “ilah”, nangangahulugang ang karapat-dapat sambahin, kaya sa pinakapunto ang iyong sinasabi ay walang karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya na Siya nararapat lamang ang pagsamba, si Allah, ang Diyos, ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan.

Kapag binigkas mong “Muhammadan Abduhu Wa Rasuluh”, nakamit mo ang dalawang bagay, na si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay ang alipin, ang mananamba at sugo ni Allah.

Bakit ito mahalaga? Sa nakaraan, ang ilan sa mga propeta ni Allah ay nagkamaling inidolo, sinamba kasama o ipinalit kay Allah. Kung kaya ang mga pangungusap na ito ay pinatitibay na ang pagsamba ay para lamang kay Allah. Pangalawa, sa pamamagitan ng pagpapahayag na si Muhammad ﷺ ay Sugo ni Allah, ay tinatanggap mo rin ang mensahe na kanyang dala, ang Qur’an, at lahat ng mga bagay na kanyang itinuro at mga halimbawa na kanyang ginawa para sa atin. Ang pagyakap sa Islam ay nangangahulugan rin na tinatanggap mo ang mga saligan ng pananampalataya, ang mga bagay na bawat Muslim ay tungkulin na paniwalaan:

Allah: Ang Diyos na walang katambal na sa Kanya ang lahat ng pagsamba ay nauukol.Mga Anghel: Nilikha ng Diyos – na lagi ng sumusuko sa Kanya.Mga Kapahayagan: Mga panuntunan na ipinahayag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat sa mga Sugo para tulungan ang mga taong mamuhay sa mataas na buhay espiritwal.Mga Sugo: Mula kay Adan hanggang kay Noe at Moises at kay Hesus hanggang sa huling sugong si Muhammad [sumakanilang lahat ang kapayapaan]. Silang lahat ay dumating na may parehong mensahe na “Sambahin si Allah lamang”.Araw ng Paghuhukom: Ang huling araw na ang mga tao ay mananagot para sa kanilang mga gawa.Kapalaran: Pagtanggap na ang Diyos ay nababatid kung ano ang nangyari sa nakaraan. Nababatid Niya ang hinaharap at Siya ang nagtatakda sa lahat ng bagay sa buhay.

Tinatanggap mo rin ang limang haligi ng Islam, ang mga ginagawa ng isang Muslim, ito ang:

Shahadah: Pagpapahayag ng pananampalataya.Salah: Araw-araw na mga pagdarasal.Zakah: Taunang kawanggawa.Sawm: Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.Hajj: Ang pagbisita sa Makkah na ang bawat Muslim ay tungkulin minsan sa kanilang buhay kung may kakayahan sa pisikal at pinansiyal.

Видео PAANO MAGING MUSLIM? | ANG 5 HALIGI NG ISLAM AT 6 HALIGI NG PANANAMPALATAYA канала Ibrahim Kaisy Vlogs
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
13 апреля 2020 г. 1:50:39
00:34:42
Яндекс.Метрика