Загрузка страницы

Erap, nanawagan ng snap elections sa huling gabi ng EDSA Dos

Matapos pigilin ng Senado ang pagbukas ng ikalawang sobre na ebidensiya sana sa impeachment trial ni Pangulong Joseph Estrada, libu-libo ang dumagsa sa EDSA Shrine bilang protesta.
Sa loob ng 4 na araw, mauulit ang People Power ng 1986, at hahantong muli sa isang palitan ng kapangyarihan.
Sa huling gabi ng tinaguriang EDSA Dos, sunud-sunod ang mga biglaang pangyayari na sumabay sa special coverage ng TV Patrol.
Pinutol ang live report ni Karen Davila sa Ortigas flyover ng live press conference ng pagbitiw ni Philippine National Police NCR Director Edgar Aglipay, na binantayan ni reporter Ronald Estella.
Nang umagang iyon nag-atras ng suporta kay Estrada sina Defense Secretary Orlando Mercado, Armed Forces Chief of Staff Gen. Angelo Reyes, at ilang heneral.
Kasabay ng pagbitiw ni Aglipay, nagpakita si Estrada sa telebisyon upang manawagan ng snap elections kung saan hindi siya tatakbo.

(Mula sa TV Patrol, kasama si Kabayan Noli De Castro, 19 Enero 2001)

In-upload ang video na ito bilang bahagi ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol.

Видео Erap, nanawagan ng snap elections sa huling gabi ng EDSA Dos канала ABS-CBN News
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
15 января 2014 г. 16:44:35
00:08:30
Яндекс.Метрика