Загрузка страницы

[Chef Joy's Foodies] EP01: Siopao Pang Negosyo

Ingredients

Siopao Dough:
1-1/2 cup warm water
4 tsp. instant dry yeast
2 tbsp white sugar
*Dissolved together

5 cup all purpose flour
4 tbsp white sugar
1 tsp iodized salt
4 tbsp vegetable oil
2 tsp baking powder

Bola-Bola:
1 kilo grind pork/chicken
chopped carrots
celery chopped minced
1 minced garlic
1 minced onion
1/2 tsp black pepper
2 tsp iodized salt
6 tbsp knorr seasoning
5 tbsp cornstarch
6 medium boiled egg ( cut into 4 )
Wax paper

Siopao Sauce:
1 cup water
1-1/2 tbsp cornstarch
1/3 cup sugar
3 tbsp soy sauce
1 clove garlic, chopped
Pinch of ground pepper

Procedure:

Pag gawa ng dough:

Instant yeast at puting asukal sa 1 1/2 maligamgam na tubig. I set aside mula 10 hanggang 15 minuto.

Paghaluin ang asukal, asin, at vegetable oil sa isang bowl. Magdagdag ng 5 tasa ng all purpose flour at 2 tsp ng baking powder haluin ng maayos at isama ang ginawang yeast mixture. Pag nahalo na ito ng mabuti, simulan ng masahin ang dough, mag lagay ng harina sa lamesa na inyong pag gagamitan sa pag masa ng dough. Masahin ng mabuti hanggang sa ito’y maging okay na at di na madikit.

Ihugis pa bilog ang dough, ilagay sa greased bowl at takpan ito ng cling wrapper hayaang umalsa sa loob ng 30 minuto at ilagay sa mainit na lugar.

Pag gawa ng siopao bola-bola:

Ang mga pinaghalong sangkap (1 kilo na baboy, knorr seasoning,bawang, sibuyas, iodized salt, carrot, celery, ground black pepper, cornstarch, boiled egg nakahati sa 4. Hatiin sa 20 piraso at bumuo ng bola at gumamit ng wax na papel upang mai-steam. I-steam sa loob ng 15 minuto.

Habang ini-steam ang ating bola-bola, maaaring balikan ang ating pinapa alsa na dough.Suntok suntukin ang dough at hatiin ito sa 100 grams, ihulma ito ng pa bilog at hayaang muling umalsa ng 30 minuto. Takpan ito

Sa 5 cup ng all purpose flour ay makakagawa ka ng 10 dough.

Pagbabalot ng siopao:

Balikan ang ini-steam na bola-bola, kunin at palamigin muna ito ng kaunti bago ibalot sa ating siopao dough.

I-masa ang hinating dough, at gumamit ng rolling pin, i-flat pabilog ang ating dough. Kumuha ng isang lutong bola-bola at ilagay sa gitna ng dough, wag kakalimutang tanggalin ang wax paper na nasa ating bola-bola. Kunin ang siopao dough na may bola-bola at ibalot ito ng patupi-tupi pa-ikot hanggang sa maisara ito at i-twist sa tuktok para ito ay mag hugis siopao.

Ilagay ulit ito sa wax paper para di ito dumikit sa ating steamer at takpan ulit para di mag dry ang ating siopao. At gawin ito sa mga susunod pang siopao.

Pag natapos na gawin lahat ng siopao, ibalik ulit ito sa steamer sa loob ng 1 1/2 oras hanggang sa ito ay umangat.

Pag gawa ng sauce:

Sa isang kawali, mag lagay ng tubig, knorr seasoning, asukal, cornstarch, bawang at pininong paminta nasa sa inyo kung gaano ito kadami para sa inyong siopao sauce. Ilagay sa lutuan at halu-haluin lang ito hanggang sa lumapot. At meron na kayong siopao sauce.

Kunin ang inyong ginawang siopao habang ito ay mainit lagyan din ng inyong bagong gawang sauce at enjoy sa pagkain!

—————
Puhunan - 398.00

35 x 20 pcs siopao - 700.00

700.00 - 398.00 = 302.00 Tubo

If special at gagawin mong itlog na maalat, keso at may chorizo pwede mo ibenta ng 55.00 each siopao.

Subscribe to my Youtube channel:

https://www.youtube.com/channel/UCyNS4FhkEnwdaORYGSGtufQ

Follow me on instagram:

https://instagram.com/cateringbychefjoy?igshid=pt88r223il2w

For business inquiries:
chefjoy2009@gmail.com

Видео [Chef Joy's Foodies] EP01: Siopao Pang Negosyo канала Chef Joy Escobar
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
8 августа 2020 г. 14:00:09
00:18:07
Яндекс.Метрика