Загрузка страницы

Ang Mga Kuwento ni Ryza: Nasa tamang nutrisyon ang kalusugan ng palay (Tagalog version)

English version of this video: http://www.youtube.com/watch?v=tkVNnZcF07o

Laking gulat ni Mang Lando nang biglang lumitaw mula sa kanyang palayan ang isang nagsasalitang palay at magsimula itong magkuwento ukol sa pangangailangan ng palay. Binigyan ni Ryza, ang nagsasalitang palay, si Mang Lando ng mahahalagang impormasyon ukol sa tamang pangangasiwa ng mga sustansyang kailangan ng palay. Sa pamamagitan ng pag-aakma ng wastong dami at panahon ng paglalagay ng abono, natutunan ni Mang Lando kung paano mapapataas ang kanyang ani. Hinikayat din ni Ryza si Mang Lando na subukang gamitin ang Nutrient Manager for Rice. Isa itong programa sa computer na makakapag-bigay sa mga magsasaka ng mga tuntunin ukol sa tiyakang pangangasiwa ng abono sa kanilang palayan.

Sa video na ito, matututunan nyo na nasa tamang nutrisyon ang kalusugan ng palay.

For more on site-specific nutrient management see: http://irri.org/index.php?option=com_k2&view=itemlist&layout=category&task=category&id=615&Itemid=100153&lang=en

Lando: Naku! Mukhang maputla ang mga palay ko. Kakailanganin ko atang magdagdag uli ng abono. Kung makakapagsalita lang sana ang mga palay na ito, siguradong sila mismo ang magsasabi kung ano ang kailangan nila.

Ryza: Mang Lando, Mang Lando, maghunos-dili kayo! Bago nyo isabog yang abonong hawak nyo, napag-isip isip nyo na ba kung ano ang makakapagbigay sa inyo ng malulusog na mga palay?

Mang Lando: Ano? Ah e hindi...

Ryza: Mang Lando, sa tamang nutrisyon, magiging malusog ang palay nyo. Mang Lando, kaming mga palay ay may buhay din tulad nyo. Bukod sa tubig at araw, kailangan namin ng pagkain o sustansya upang maging malusog at mayabong. Ang pangunahing sustansya na kailangan namin ay nitroheno, posporo, potasyum, zinc, at sulfur.

Mang Lando: Pero saan nyo nakukuha ang mga sustansyang ito?

Ryza: Ang mga sustansyang ito ay nanggagaling sa lupa, sa mga pinag-anihan, at gayundin sa patubig. Subalit, hindi sapat ang mga ito upang maibigay sa amin ang lahat ng aming kailangang sustansya. Kaya kami binibigyan ng abono o pataba.

Mang Lando: O, di ba yun nga ang aking ginagawa bago mo ako ginambala?

Ryza: Opo, totoo po yun, pero ang karagdagang sustansya na manggagaling sa abono ay nararapat na nakabatay sa pangangailangan ng halaman. Dapat po nyong maintindihan na ang kalusugan ng inyong tanim na palay ay nakasalalay sa tamang dami at akmang panahon kung kailan kailangan ang mga ito.

Alam nyo na po ba na meron na po ngayong pamamaraan upang malaman ng mga magsasaka kung gaano karaming abono ang kailangan at kung kailan nya dapat ito ibibigay sa kanyang panamin? Ang pamamaraang ito na batay sa pananaliksik ay naglalayong magbigay ng mataas na ani sa pamamagitan ng tamang paggamit ng abono.

Mang Lando: Aba, natutunan ko na ang palay ay dapat bigyan ng tamang dami ng sustansya sa tamang oras......Naku, nahihibang na ata ako. Kausap ko ba talaga yung palay na yun?

Produced by

The International Rice Research Institute (IRRI; http://irri.org )
through the Irrigated Rice Research Consortium (IRRC; http://www.irri.org/index.php?option=com_k2&view=itemlist&layout=category&task=category&id=294&Itemid=100065&lang=en )

with support from the Swiss Agency for Development and Cooperation (SDC; http://www.sdc.admin.ch )

With the assistance and participation of:

Chona Lofranco as the voice of Ryza

Larry Fabro as Mang Lando

Johnny Goloyugo as the voice of Mang Lando

IRRI staff members:

Scriptwriters:
Jun Correa
Trina Mendoza
Rafael Palis

Videographers:
Jerby Aguihon
Joe Ibabao

Cartoonists:
Paul Hilario
Harris Tumawis

Script Editors:
Bill Hardy
Tess Rola

Field man:
Bert Escandor

Collaborators:
TJ Cadiz
Video Editor and Animator

Edmund Centeno
JP Maligalig

Видео Ang Mga Kuwento ni Ryza: Nasa tamang nutrisyon ang kalusugan ng palay (Tagalog version) канала International Rice Research Institute
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
16 июня 2009 г. 22:41:22
00:09:46
Яндекс.Метрика