Загрузка страницы

Livestock Market sa Cogon, El Salvador City, dinadayo ng iba’t ibang mga mamimili at suppliers

Dinarayo ng mga mamimili at mga suppliers mula sa iba't ibang lugar sa bansa ang livestock market sa Cogon, El Salvador City.

Tuwing araw ng Miyerkules alas 4:00 pa lang ng umaga ay marami ng mga tao ang makikita sa livestock market.

Iba't ibang livestock ang mabibili dito tulad ng baka, kambing, kabayo at marami pang iba.

Ayon kay punong barangay Jerry Maestre, kahit ang mga mamimili mula sa Luzon at Visayas ay pumupunta sa kanilang lugar upang bumili lang ng mga livestock at para hindi magkakaproblema sa pag-transport ay may nakahanda ring mga tauhan ng Department of Agriculture para naman sa kakailanganing sertipikasyon.

Dagdag pa ng punong barangay, sisikapin nilang mas mapasigla pa lalo ang lingguhang aktibidad na ito dahil malaking tulong aniya ito sa pakakaroon ng pagkakakitaan para sa barangay at maging sa lungsod ng El Salvador.

================
Mabilis, malakas, pumapagaspas!

Subscribe on our social media channels:
Telegram: t.me/radyoagila
Twitter: twitter.com/Radyo_Agila1062
Instagram: instagram.com/radyoagila
YouTube: youtube.com/RadyoAgila1062

Видео Livestock Market sa Cogon, El Salvador City, dinadayo ng iba’t ibang mga mamimili at suppliers канала Radyo Agila
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
20 февраля 2023 г. 9:21:10
00:01:11
Яндекс.Метрика