Загрузка страницы

Huwag na matakot mag drive sa Bitin | Uphill Stop and Go Driving Tutorial | Paano mag timpla

Ang uphill driving ang Isa sa pinaka mahirap na parte ng pa dadrive ng sasakyan. Lalo na Kung mag stop and go ka sa kalagitnaan ng pag ahon mo sa Isang paanong Daan o ung Mas kilala na tinatawag na bitin. Meron tayong dalawang ekpektibong paraan para dito pero bago tayo Dumako Doon meron muna tayong tatlong bagay na dapat na icoconsider.
-una ung steepness nung daan for example 15°, 20° o 40° ba siya so gaano ba ito ka Tarik masyado ba tong inclined o hindi
-2nd. Gaano ba ka bigat ang sasakyang minamaneho natin loaded ba to o tayo lang ang sakay
-3rd. Gaano ba kalake or ka lakas ang making ng sasakyan mo dapat kilala mo ang sasakyan mo

Ngayon dadako na tayo sa dalawang uri ng driving teknik para sa stop and go on uphill traffic
-1st. With hand brake gagamitin natin to kapag naramdaman natin ang Alin man sa mga sumusunod
masyadong mabigat ang sasakyan mo masyadong inclined ang Daan at
Kung maliit ang makina ng sasakyan.

ITO rin ang gagamitin natin kapag matagal tayo nakahinto o naka bitin sa uphill.

So ganto ang step by step na gagawin nyo kapag aandar na kayo mula sa pag kaka hand brake.
let say naka gear one na kayo at naka apak na kayo sa clutch.
1st. Dahan dahan nyong itaas ang clutch at manatili kayo sa biting point (dapat mararamdaman nyo ang panginginig, Malakas pero hnd sobra kasi mamatay ang makina kapag na sobrahan sa ang at ang clutch, kapag lumalakas masyado medyo idiin nyo lang pa balik ang clutch)
2nd. Habang naka half clutch apakan nyo din ang throttle at paabutin nyo sa 2000 to 3000 rpm
Dedepende nalang sainyo Kung gaano kataas o kababa na rpm ang kailangan ng sasakyan nyo
3rd. Habang naka half clutch at naka apak throttle kayo pede nyo na ibaba ang hand brake at aandar na dapat ng panahon sasakyan nyo.

Kapag Maganda na ang takbo ng makina bitawan nyo na ng tuluyan ang inyong clutch.

PS: Kung binitawan nyo na ang hand brake at umatras ang inyong sasakyan, Meron kayong tatlong bagay na pede gawin
1st. Diinan pa ang throttle
2nd. Itaas pa ng kaunti ang clutch
3rd. Sabay nyong gawin ang dalawang Iyan. (YANG ANG TINATAWAG NATIN NA PAGTITIMPLA)

Ngayon dadako nmn tayo sa WITHOUT USING HAND BRAKE
ginagamit natin ang teknik na to usually Kung mabilis ang stop and go sa uphill traffic, Hindi sobrang loaded, hindi sobrang Tarik, o Kung kayang kaya ng makina ng sasakyan.
Hindi handbrake kundi usual brake lang gagamitin natin para hndi umatras ang sasakyan at para mag full stop
Ngayon Kung aandar na tayo eto ang step by step na ating gagawin, let's say naka 1st gear na kayo, nakaapak sa clutch, at nakaapak din sa brake
1st Hanapin ang biting point sa clutch (may panginginig na mararamdaman, dapat malakas pero hindi sobra), manatili lang sa pagkakahalfclutch habang naka apak sa brake
2nd Kung maramdaman mo na na parang lumalaban na ang makina sa preno bitawan mo na ang preno at hindi na dapat aatras ang sasakyan mo,
3. Apakan mo na ang gas para umahon ang sasakyan

PS. Huwag magbabad sa half clutch at Kung maganda na ang andar ng makina bitawan na ng tuluyan ang half clutch.

Видео Huwag na matakot mag drive sa Bitin | Uphill Stop and Go Driving Tutorial | Paano mag timpla канала Mark Flores Vlog
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
11 ноября 2018 г. 13:33:15
00:06:06
Яндекс.Метрика