Загрузка страницы

Holy Mass with Bishop Broderick Pabillo 24 February 2021 Wednesday of the First Week of Lent

Holy Mass Today Online
February 24, 2020
Most Rev. Broderick S. Pabillo, D.D.
Apostolic Administrator Archdiocese of Manila

Miyerkules sa Unang Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

UNANG PAGBASA
Jonas 3, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas

Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta ka sa Lungsod ng Ninive
at ipahayag mo ang mga ipinasasabi ko sa iyo.” Nagpunta nga si Jonas
sa Ninive. Malaki ang lungsod na ito. Aabutin ng tatlong araw kung lalakaring pabagtas. Siya’y pumasok sa lungsod.

Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, “Gugunawin ang Ninive pagkaraan ng apatnapung araw!” Naniwala
ang mga tagaroon sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya, nag-ayuno sila
at nagdamit ng sako bilang tanda ng lubos na pagsisisi at pagtalikod sa kanilang mga kasalanan.

Nang mabalitaan ito ng hari ng Ninive, bumaba siya sa kanyang trono, naghubad ng balabal, nagdamit din ng sako, at naupo sa abo. At ipinasabi niya sa mga taga-Ninive: “Ito’y utos ng hari at ng kanyang mga pinuno. Walang kakain isa man. Wala ring iinom, maging tao o hayop. Lahat ng tao at hayop ay magdamit ng sako. Taimtim na manalangin sa Diyos
ang bawat isa. Pagsisihan ng lahat ang nagawa nilang kasalanan
at talikdan ang masamang pamumuhay. Baka sa paraang ito’y mapawi
ang galit ng Diyos, magbago siya ng kanyang pasiya at hindi na ituloy
ang balak na paglipol sa atin.”

Nakita ng Diyos ang kanilang pagtalikod sa kasamaan kaya hindi na itinuloy ang paggunaw sa Ninive.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19

Tugon: D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Tugon: D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

Tugon: D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat.

Hindi mo na nais ang mga panghandog
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

Tugon: D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA:
Joel 2, 12-13

Magsisi tayong mataos,
halinang magbalik-loob
sa mapagpatawad na D’yos;
sa kanya tayo’y dumulog
at manumbalik na lubos.

MABUTING BALITA
Lucas 11, 29-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao,
sinabi ni Hesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila
ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila
maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas.
Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito
ang Anak ng Tao.
Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito
at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo
ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon;
ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto!
Sa Araw ng paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Tribute Songs during this time
Heal the World - lyric piano cover https://youtu.be/eGtsGIU4eKg
Heal the World - lyric guitar cover. https://youtu.be/FYNhK33nI18
Just Believe - Various Artist lyric cover. https://youtu.be/PgOd3mXH3ow
Take me out of the Dark - Gary Valenciano lyric cover. https://youtu.be/qjU1TMjVG8A

FAIR USE STATEMENT & DISCLAIMER

Copyright Disclaimer Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, commenting, news reporting, teaching, scholarship, and research.
Copyright Disclaimer under the rules and regulations on “fair use” for purposes such as Catholic Church Worship Services, teaching, and prayers. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.

This page may contain copyrighted material the use of which has not always been specifically authorized by the copyright owner. The Catholic Mass is streamed for evangelizing to spread the Good News to reach out to all during this difficult times to motivate and inspire everyone. Our understanding is that it is in correlation to Fair Right Use, however given that it is open to interpretation, if any owners of the content clips would like us to remove the video, we have no problem with that and will do so as fast as possible. Please message me on YouTube if you have any concerns

Thanks for praying and attending the Holy Mass,
MEG Star

Видео Holy Mass with Bishop Broderick Pabillo 24 February 2021 Wednesday of the First Week of Lent канала MEG Star Live Mass Today
Показать
Комментарии отсутствуют
Введите заголовок:

Введите адрес ссылки:

Введите адрес видео с YouTube:

Зарегистрируйтесь или войдите с
Информация о видео
24 февраля 2021 г. 5:10:26
00:47:32
Яндекс.Метрика